Auditions is now open casting for the forthcoming BINONDO: A TSINOY MUSICAL to be directed by Joel Lamangan. The musical is written by Ricky Lee with music by Von de Guzman and choreography by Douglas Nierras. Auditions will be on February 8-9, 2018 from 10AM to 5PM at Douglas Nierras Powerdance Studios, Unit B 4/F ICITE Building, Eastwood City Libis, Quezon City.
Prepare a Tagalog song and 1 dance. For more information, contact Ms. Rebecca at +63 918 9357/ +63 917 301 2445 or Chriz S. Zabala at +63 917 9004 6778 . For more updates about the tsinoy musical Binondo, follow this blog and like L.E.N.S. blogs on Facebook. Written below is the synopsis and character sketches of the musical.
PREMISE
‘BINONDO: a Tsinoy Musical’ tells the story
of how LILY, a Filipina night club singer in pre-Martial Law Manila, and AH
TIONG, a mainland Chinese scholar returning to Cultural Revolution-era Beijing,
embark on a journey of great love and heartbreak that begins one fated,
moon-lit night during the Mid-Autumn Festival of 1971 in the heart of Manila’s
Chinatown.
LILY, a hopeless romantic, finally finds
her unlikely great love in AH TIONG, a cynic about destiny, during this night
of one of the fullest moons ever recorded and on the birthdate of Ge Lao, the
Old Man Under the Moon or the Chinese Deity of Love. Vying for LILY’s heart as
well is CARLOS, a local Chinese childhood friend of hers who is finally pushed
to confront his feelings for her with the arrival of this stranger set on
stealing her heart. A triangle centered on different ways of loving and
receiving love forms the crux of this story.
Spanning two decades and two countries, the
musical explores how love overcomes even times of racial prejudice and political
turmoil and endures years of waiting and absence, only to grow deeper and
change the lives of everyone who dares to put their hearts on the line.
MGA
TAGPUAN
UNANG YUGTO – 1971, Chinatown at Mendiola Manila
PH, Shenzhen Harbor at Beijing Labor Camp CN
IKALAWANG YUGTO – 1971-1986, Chinatown
Manila PH, Beijing Labor Camp at University Housing CN
CHARACTER
SKETCHES
LILY (25/40)
-Filipina, hopeless romantic, laking Chinatown dahil sa factory ng mga Chinese
nagtrabaho ang mga magulang niya noon kaya sanay na siya sa kulturang Tsino,
hindi nakatapos sa college dahil namatay ang ama sa barilan sa loob ng isang
club at kinailangan niyang tumulong sa ina na kumita ng pera, namasukan bilang
kahera sa Divisoria bago natanggap bilang isang singer sa The Lotus Club sa
Binondo, halos araw-araw bumibisita sa altar ni Ge Lao (ang Diyos ng Pag-ibig,
o ang matandang nananahan sa mukha ng buwan) para humiling na makita na niya
ang lalaking nakatadhana para sa kanya
AH TIONG (27/42)
-mainland Chinese, iskolar ng Beijing University na katatapos lang ng PhD sa
Amerika, pragmatic kaya hindi naniniwala sa great love o destiny kundi ang
pag-ibig ay isang duty na kailangang bigyan ng commitment, tanggap niyang may
nakatakda na sa kanyang aasawahin pagbalik sa Tsina, nadaan sa Pilipinas para
magbakasyon ng 2 linggo bago umuwi sa Tsinang nabalitaang nabalot na sa gulo ng
Cultural Revolution
CARLOS (26/41)
-local Chinese, kababata ni LILY, anak ng may-ari ng factory na pinagtrabahuan
ng mga magulang ni LILY noon, lumaking malapit sa mga kaibigang Pilipino,
nagsimulang maging aktibista mula college kaya sinasama-sama niya si LILY
tuwing may kilos-protesta, nasanay nang tinutulungan si LILY gaya ng
pagpapapasok dito sa The Lotus Club na pagmamay-ari ng kaibigan ng pamilya
nito, para sa kanya ang pag-ibig kahit magsimulang simple ay pinipili at
ginagawang great
JASMINE (26/41)
-mainland Chinese, kasamahan ni AH TIONG sa Beijing University at anak ng
malalapit na kaibigan ng mga magulang nito, ang babaeng itinakda para kay AH
TIONG hindi lamang dahil malakas ang mga magulang ni JASMINE sa Communist Party
kundi dahil lumaki rin siyang kilala na ng pamilya, para sa kanya ang pag-ibig
ay desisyon na tanggapin ang isang tao nang buong-buo
RUBY (15)
-Chinese-Filipina, anak nina LILY at AH TIONG, lumaking alam ang katotohanan na
hindi si CARLOS ang tunay niyang ama kaya mas mamahalin pa niya ito at
isusumpang ayaw nang makita pa si AH TIONG, pinalaking Chinese ng mga magulang
ni CARLOS matapos sila tanggapin mag-ina, testigo sa sakripisyo ng inang si
LILY na pumayag na maging halos ghost/miyembrong walang boses sa bahay ng mga
CHUA kapalit ng magandang buhay para sa kanya, matututunan mula sa halimbawa ni
CARLOS na ang pag-ibig ay debosyon at ang paghahangad ng ikabubuti ng minamahal
MATANDANG TSINO/GE LAO
-matandang Tsinong nagbabantay sa altar ni Ge Lao (ang Diyos ng Pag-ibig para
sa mga Tsino, o ang matandang nananahan sa mukha ng buwan), kilala na si LILY
dahil sa halos araw-araw na pagbisita ng dalaga upang hilingan ang estatwa, sa
totoo’y siya ang incarnation ni Ge Lao sa lupa upang makahalubilo ang mga tao
LIDER NG KORO, at sina KORO 1, 2, 3, at 4
-mga miyembro ng Koro na magsisilbing mga tagapagkwento ng musical at gaganap
sa iba’t-ibang mga karakter sa dula (hal. mga waiters sa club, reporter ng
balita, lider ng mga rally, mga miyembro ng Philippine Constabulary, mga
miyembro ng Red Guard, atbp.), mga alipin ni Ge Lao sa pagtatakda ng tadhana,
makukulit, witty, at madalas comic relief ng mga eksena
MRS. DELA ROSA (50)
-nanay ni LILY, mapagmahal, boto kay CARLOS na maging kasintahan ang anak dahil
matagal na niyang napansin na may pagtingin ang binata dito, tututol sa umpisa sa
pagmamahal ng anak kay AH TIONG na estrangherong aalis at baka hindi na
bumalik, may malubhang sakit kaya parating nangangamba para sa kinabukasan ng
anak na dalaga sakaling maiwan na niya ito
MR. CHUA (53)
-tatay ni CARLOS, hindi mapagsalita kaya wala masyadong relasyon sa anak kahit
mahal niya ito, tutol sa pagsama ng anak sa mga rally dahil para sa kanya
sadyang magkaiba ang mga lannang (local Chinese) at mga hwanna (barbaro/pej. for
Filipino), itatakwil ang anak nang bulagain siyang bitbit-bitbit nito ang anak
ng dating mga pahinante na buntis
MRS. CHUA (49)
-nanay ni CARLOS, maaruga at halos i-spoil ang anak para bumawi sa
pagka-distant ng asawa, tradisyunal din ang paniniwala ukol sa pagkakaiba ng
mga lannang at hwanna pero hinahayaan ang anak na sumama sa mga kilos-protesta
dahil alam niyang ito lang ang makakapagpasaya dito, pipilitin ang asawang
tanggapin muli ang anak at ang asawa nitong si LILY lalo na’t may supling na
silang dadalhin (si RUBY) na palalakihin niyang halos bilang sariling anak at
bilang Chinese
MR. ZHANG (58)
-tatay ni AH TIONG, propesor ng sosyolohiya sa Beijing University, boto kay
JASMINE para sa anak, magiging biktima ng pang-aabuso ng mga Red
Guard—ipaparada at ipapahiya nila siya bilang kontra-rebolusyonaryo at iiwang
nasa bingid ng kamatayan matapos ng parada
MRS. ZHANG (51)
-nanay ni AH TIONG, propesor ng sikolohiya sa Beijing University, boto kay
JASMINE para sa anak dahil alam niyang mabuti itong babae at mas lalo na dahil
ang mga magulang lang ni JASMINE ang nakatulong sa asawa niya matapos itong
pahirapan at ngayon naman ay para mapalaya rin ang anak pagkatapos itong
hulihin pag-uwi ng Tsina
No comments:
Post a Comment